Friday, November 1, 2013

Maria Labo


Ever since, stories about aswangs in the Philippines were always pointed to the Visayan islands, most especially in the Provinces of Iloilo, Capiz, Antique, and Aklan, as the origination. The known legend about Tiniente Gimo and Maria Labo came from them.

Maria Labo was the name used to refer to the female vampire who came from Iloilo or Capiz (others suggest from Sorsogon). She was popularized by the story that she murdered her two sons and then cooked them. She was recognizable by her huge scar across her face, thus she got her name.

Legend

It's my professor who gave me an idea about her. He even gave me the popular text message that terrorized people who receives it. Well, I also searched some of her stories and collected them here just to make a clear and whole tale about her life. When I found the “Ang Tatlong Katauhan ni Maria Labo”, it made me understand what actually happened to her. Until now, I am in search of the said article in a news paper that made her popular.

[Taken from Internet:]

A young woman named Maria went to Canada as a caregiver. There, she took care of an old man which, according to rumours, was possessed by the so-called "vampire" (some "aswang") curse.

When the old man died, he passed the curse (some say, his powers) to Maria. Finding no luck in Canada, Maria went home. It was then that her thirst for human flesh started. When her husband, a policeman, went home one night, he looked for their kids. The deranged Maria pointed to the stove where she had cooked their children. Enraged, her husband struck her with a bolo ("labo") where she obtained a scar on her face, earning her the monicker Maria Labo.

They said, she fled to Visayas, then to Mindanao, in a quest to satiate her hunger for human flesh and viscera. Like a typical aswang, she has the ability to change her appearance. Sometimes she appears as a beautiful young lady. At other times, she appears as an old woman.

[Taken from a Text Message:]

She was recently a saleslady in a mall (I don't know where specifically in the Philippines she is now), living as a normal person, and whenever you remember abruptly about her at exactly 3 in the morning and afternoon, she'll suddenly appear in front of you then kill you. Some said, she has a cellphone number. (I don't know what will happen if you'll call her.) 



[Taken from a Book:]

Ang Tatlong Katauhan ni Maria Labo 
By: Abelardo Gajarion

1. Mula nang naging malaganap ang militarisasyon sa kanayunan naging magulo na ang probinsiya ng Sorsogon. Walang masaganang ani ang mga magsasaka't mangingisda. Maraming maliliit na negosyo ang nagsara. Hindi makapasok sa eskwela ang mga bata. Halos hindi na nga makalabas ng bahay ang mga tao. Lahat nahihintay na lang na mabagsakan ng isang bomba, para sabay-sabay na mamatay. Maliban kay Maria Labo.

Malapit sa paanan ng bundok, malayo sa kabayanan, nakatira sa maliit na bahay na yari sa cogon at kawayan ang mag-asawang Maria at Ermin Labo. Mayroon silang dalwang anak, sina Pablo at Rosalinda. Si Ermin ay isang magsasaka habang si Maria naman ang naglalako ng mga ani sa kabayanan.

Mula nang mawalan ng ani ang kanilang gulayan, ipinasya ni Maria na sumama sa kaibigang naghahanap ng domestic helper papuntang Espanya. Naisip niyang mas marami ang kanyan kikitain sa pagtatrabaho sa ibang bansa kaysa sa paglalako ng gulay na hindi na nga niya nagagawa dahil sa kaguluhan sa kanilang bayan.

Isinangla nila ang kanilang lupang sakahan at ang kinatatayuan ng kanilang bahay para pambayad sa kanyang placement fee. Pagkalipas ng tatlong buwan, lumipad si Maria papuntang Espanya.

2. Sa isang lumang mansion, sa isang bayan na malayun-malayo sa siyudad napadpad si Maria. Bumaba siya mula sa isang kakarag-karag na bus sa tapat ng isang malaki at lumang-lumang gate na bakal. Napupuluputan ito ng mga gumagapang na halaman. Ayon sa agency na nagpadala sa kanya, isang matandang lalaki at isang katiwala na lang ang nakatira sa mansion na kanyang magtatrabahuan.

Pumasok siya sa gate na bahagyang nakabukas. Tanaw niya mula sa kinatatayuan ang kulay abong mansion. Bago makarating roon, kinailangan munang maglakad ni Maria ng halos dalawang kilometro. Maalikabok ang daan na nililinyahan ng malalaking puno sa magkabilang tabi.

Pagdating sa tapat ng mansion, nagulat pa si Maria nang makitang halos tatlong beses na mas matangkad sa kanya ang pintuang gawa sa matigas na kahoy na may mga ukit-ukit na ubas at mga bulaklak. Gawa sa bato ang buong mansion. Napansin niyang halos hanggang tuhod na niya ang mga damo sa bakuran. Halos mapuno na rin ng mga gumagapang na halaman ang kanang bahagi nga mansion.

Kumatok siya gamit ang bilog na bakal na nakasabit mula sa sabitan na hugis ulo ng leon. Luminga-linga siya, nagbabakasakaling may tao siyang makikita, ngunit walang sumalubong sa kanya. Matapos ang halos limang minutong paghihintay, kusang bumukas ang pinto. Bumukas ito nang mabagal na mabagal at gumawa ito ng nakakarindi at nakakangilong ingay na parang bang matagal na itong nakasara at noon lamang nabuksan. Wala siyang makitang tao sa loob sa kanyang pagpasok.

Hindi niya nakita ang matandang lalaki na kanina pa siya taimtim na tinititigan mula pa lang nang pumasok siya sa gate at maglakad patungo sa bahay.

“Hola, como estas?” bati sa kanya ng isang lalaki mula sa kaliwang bahagi ng mansion.

Napaigtad si Maria sa gulat. Hindi niya inasahang lalabas na lang bigla ang isang lalaking may magarang-magarang kasuotan.

“Soy Eduardo. Que te llamas?”

Hindi alam ni Maria ang isasagot.

“Comprendes Espanol?”

Umiling-iling na lamang si Maria. Kung hindi man wala, katiting lamang ang kanyang nalalaman sa wikang Espanyol. Tinitigan muna siya ng lalaki bago nagpumilit magsalita ng Ingles.

“Follow. Follow.”

Si Eduardo ang katiwala ng mansion. Matagal-tagal na rin siyang naninilbihan doon. Nagbabalak na siyang umalis, ngunit hindi niyo iyon magawa hangga't hindi pa niya napipili ang tamang babaeng mag-aalaga sa kanyang amo.

Inabot sila ng kalahating araw para lamang libutin ang buong mansion. Inisa-isa nila ang bawat kwarto. At sa bawat kwarto ipinaliwanag ni Eduardo ang mga takdang gawain ni Maria. Pautal-utal na Ingles ang ginamit ni Eduardo, maging iyon ay hindi gaanong naintindihan ni Maria.

“Tienes hambre? E, are you, e, starved?”

Hindi alam ni Maria kung ano ang isasagot kaya tumango na lang siya. Nahalata ni Eduardo na hindi naintindihan ng kanyang kausap ang sinabi niya. Doon niya nalaman na natagpuan na niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap.

“Senor Gustavo wants to ... e, hablar ... e, speak to you ...”

Tatlong buwan na ring nagtatrabaho sa mansion si Maria, ngunit hirap na hirap pa rin silang magkaintindihan at magkausap. Mas madali na lang para sa kanila ang magsenyasan.

Sa loob ng tatlong buwang iyon, dalawang beses pa lang nakakapasok si Maria sa kwarto ng among si Gustavo. Sabi ni Eduardo, sa pautal-utal na tagpi-tagping kwento, si Gustavo ay matagal nang may karamdaman. Maselan ang kalagayan nito kaya hindi pwedeng makita ng maraming tao.

Noong unang pagkakataon na nakapasok si Maria sa kwarto ni Gustavo halos hindi rin sila nagkita. Ipinakilala lang siya ni Eduardo, ngunit doon lamang sila nakatayo sa pintuan. Madilim ang bahagi ng kama kung saan nakaratay si Gustavo kaya hindi halos naaninag ni Maria ang mukha ng matandang lalaki.

Nang ikalawang pagkakataon, nakapasok at nakalapit na si Maria kay Gustavo. Kinuha niya ang arinola sa tabi ng kama ng amo. Kulu-kulubot na ang balat nito. Manipis na manipis na ang maputing buhok sa ulo. Halos puti na lahat ang mga mata nito. Bago siya umalis tinanong si Maria ni Gustavo. Mahinang-mahina ang boses nito, halos hindi na marinig ni Maria.

“Are you Filipina?”

Tumango si Maria, naintindihan niya ang tanging tanong na itinanong sa kanya ng amo.

“A, opo, si, si, Senor Gustavo. I am Filipina.”

Nagtataka si Maria. Iniisip niya ang mga posibleng dahilan kung bakit siya pinatawag ni Gustavo gayong nariyan naman si Eduardo para ibigay anuman ang pangangailangan ng amo. Iniwan niya ang nililinis sa kusina para pumunta sa kwarto ng amo. Bago makalabas ng kusina, pinaalalahanan pa siya ni Eduardo.

“Maria, nunca, e, do not go out of the room if Senor Gustavo, e, is not asleep yet.”

Marahang kumatok saka pumasok si Maria sa kwarto ni Gustavo. Lumapit siya sa matanda. Sinenyasan siya nitong lumapit. Tila may ibubulong ang kanyang amo. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Gustavo.

Kabadong-kabado si Maria. Hindi man lang niya nahulaan na ang pagpasok niyang iyon ay ang kanyang huli. Dahil paglabas niya, hindi na siya ang dati.

3. Malaki ang nagbago sa pamilya ni Maria simula nang bumalik siya galing Espanya. Dalawang buwan na rin ang nakakaraan mula nang bumalik siya sa bayan nila sa Sorsogon.

Inggit na inggit ang mga tao nang dumating siya. Apat na buwan lang siyang namalagi sa Espanya, ngunit marami siyang dala-dalang pasalubong. Marami siyang dalang mamahaling mga plato, kubyertos, at kandelabra. Nabawi nila agad ang lupang isinangla at nakapagpagawa sila ng bagong bahay.

Ngunit, ang ipinagtataka ng lahat ay kung bakit ni hindi man lang nila makita si Maria na lumabas ng bahay. Lagi silang nag-aabang na luluwas sa bayan si Maria ngunit hindi man lang nila ito matiyempuhan.

Gayon din si Ermin at ang kanyang mga anak. Takang-taka sila sa panlalamig ni Maria sa kanila. Hindi ito gaanong nagsasalita bagamat nananatili pa rin itong maasikaso at mapagbigay. Kapag gabi, sa kama, naririnig ni Ermin ang impit nitong pag-iyak. Kapag hinahawakan siya ni Ermin para aluhin napapaso ito dahil sa sobrang lamig ng kanyang katawan. Para siyang yelo sa lamig. Kinukumutan siya ni Ermin at niyayakap, ngunit pakiramdam nito para lamang itong yumayakap sa hangin.

Minsan, isang hatinggabi, napabalikwas si Ermin nang marining niyang pumapalahaw sa bintana si Maria. Nang magmulat siya't hinanap ang asawa nagulat siya nang makitang duguan ang katawan ni Maria. Laslas ang leeg nito at sumisirit mula doon ang napakaraming dugo. Hindi siya nagpahalatang gising bagama't takot na takot na siya. Nakita niyang tumagos sa pader ang katawan ni Maria. Nangilabot siya. Nagkunwari siyang tulog nang lapitan siya ng kanyang asawa. Alam niyang nilapitan siya nito at tinitigan ang kanyang mukha. Naaamoy ni Ermin ang lansa ng dugo at ang amoy ng naaagnas na katawan. Ipinagdasal niyang sana panaginip lang ang lahat. At kung binabangungot man siya, sana magising na siya, at sana normal pa rin ang lahat.

Paggising niya kinabukasan, wala si Maria sa kanyang tabi. Hinanap niya ito sa buong kabahayan ngunit hindi niya ito nakita. Tinanong niya ang kanyang mga anak kung nakita nila si Maria ngunit hindi nila ito nakita simula ng nakaraang gabi.

Ikinuwento ng kanyang dalawang anak na nanaginip silang nakita nila ang kanilang ina na umiiyak sa kwarto nila. Duguan ang buong katawan nito. Laslas ang leeg at sumisirit ang dugo mula dito. Nilapitan sila at hinalikan ng kanilang ina, tapos paggising nila, walang anumang bakas na nagpunta nga roon si Maria.

Kinilabutan si Ermin. Pare-pareho nilang nakita si Maria ng nakaraang gabi sa pare-parehong sitwasyong. Takang-taka pa rin siya kung saan naroon ang kanyang asawa. At habang tumatagal lalo siyang kinakabahan sa mga bagay na maaari niyang matuklasan.

Mag-aalas siyete ng gabi, wala pa rin si Maria, nang biglang may kumatok sa kanilang pintuan. Dali-daling tumayo si Ermin para pagbuksan ang pinto. Inaasahan niyang si Maria na iyon. Ngunit, nang kanyang pagbuksan, bumungad sa kanya ang dalawang lalaking dayuhan.

Ang dalawang lalaki ay mula sa Spanish Embassy. Ibinalita nila na noong isang araw. natagpuan ang bangkay ni Maria Labo na naaagnas sa ilalim ng kama ng amo nito sa Espanya. Ang among si Gustavo ay dating magaling na doktor na nabaliw dahil iniwan ng kanyang Filipinang asawa.

Nasa mental hospital na si Gustavo habang ang katiwala naman nitong si Eduardo ay nakulong sa pagtatakip sa krimen ng kanyang amo.

Hindi makuhang magsalita ni Ermin. Tiningnan niya ang buong kabahayan, inisip niya kung paanong patay na si Maria nang mahigit dalawang buwan, gayong dala-dala pa niya ang mga pera't kagamitan na nakikita niya sa paligid ng bahay. Hindi siya naniwala sa dalawang lalaki. Pinaalis niya ang mga ito at pinagsisigawan.

Hinintay niya si Maria. Inisip niyang nagbakasyon lang ito sa kung saan at babalik na rin pagtagal-tagal. Hinintay niya nang hinintay ang kanyang asawa. Pagkalipas ng isang linggo dumating si Maria, ngunit, isa nang naaagnas na bangkay. 

Source: philurbanlegends.blogspot.com

2 comments: