Sunday, June 16, 2019

Gretchen Barretto puts an end to urban legend about elevator incident

Muli na namang nabuhay ang isyu tungkol sa elevator incident na kinasangkutan diumano ng aktres na si Gretchen Barretto noong December 2004.


Ito ay ang pagpapalayas daw sa kanya sa loob ng elevator ng may-ari ng isang building sa Makati dahil sa hindi nito tamang asta.

Diumano, dumating si Gretchen sa RCBC Plaza building sa Makati isang araw dahil sa regular nitong schedule sa isang spa doon.


May apat na bodyguards daw laging kasama ang aktres at gusto raw nitong walang kasabay sa elevator.

Noong sumakay daw si Gretchen sa elevator, may isa nang may edad na babae na nakasakay doon.  

Diumano, sinabi raw ni Gretchen ang mga ganitong mga salita: "Guard, can you tell this old lady to step out of the elevator?"

Na sinagot naman daw ng babae na: "Guard, tell this social climber to step out of my building."

Ang balita daw noon, panganay na anak pala ng may-ari ng building ang nagpalayas kay Gretchen.

Simula raw noon ay banned na si Gretchen sa RCBC building. 

Isang follower ni Gretchen sa Instagram ang nangahas na nagtanong sa kanya tungkol sa isyu na itinuturing na ngayong urban legend.

Sabi ni @lil328: "Dear idol @gretchenbarretto I'm so frustrated about the RCBC elevator issue between you and the owner of the building! It's all over FB...

"Is that true? I'm sure you have a good reason for what had happened then, coz I know in my heart that you are not what they are saying about you!"

Sagot dito ni Gretchen, "@lil328 I'm sorry but that is not True."

Pinabulaanan na ni Gretchen ang isyung ito noon pa.

Pero paminsan-minsan pa rin itong naging usap-usapan sa social media kapag nababanggit ang mga malalaking isyung kinasasangkutan ng mga artistang katulad ni Gretchen.

Source: www.pep.ph

No comments:

Post a Comment